MGA PAGTATAKDA AT KONDISYON SA PAGGAMIT NG WEBSITE

MGA PAGHIHIGPIT SA INYONG PAGGAMIT NG MGA MATERYALES SA WEBSITE

Ang mga materyales na kabilang sa Website (kabilang, ngunit hindi limitado sa, mga larawan, software, tunog, teksto, mga klip ng bidyo at ibang media) (ang “mga Materyales”) ay pag-aari ng o lisensyado sa SC Johnson at pinoprotektahan ng mga batas sa pag-aaring intelektwal gaya ng patent, tatak pangkalakal o mga batas ng karapatang-ari. Maliban sa inyong sariling personal at di-komersyal na gamit, kayo ay pinagbabawalan sa pagbago, paggawa muli, paglipat, pamamahagi, pagpapamalas, paggawa ng mga hangong obra galing sa, paglipat, o pagbenta ng anuman sa mga Materyales na ito na walang naunang nakasulat na pahintulot ng SC Johnson o ng mga may-ari nito sa kaso ng mga Materyales na lisensyado sa amin. Anumang di-awtorisadong tangka sa pagbago ng anumang mga Materyales kabilang sa Website o upang talunin o lusutan ang aming mga katangian ng seguridad, o upang gamitin ang Website o anumang parte ng mga Materyales na kabilang sa Website para sa anumang pakay maliban sa iniukol na mga pakay ay mahigpit na ipinagbabawal.

Ang mga tatak pangkalakal ng SC Johnson, logo, at mga markang serbisyo at yaong mga tatak, logo, at mga markang serbisyong lisensyado sa SC Johnson (sa kabuuan, ang “Mga Tatak Pangkalakal”) na ipinamalas sa Website ay rehistrado at di-rehistradong mga marka ng SC Johnson. Lahat ng ibang mga tatak pangkalakal, pangalan ng kalakal, pangalan ng produkto, mga markang serbisyo at lahat ng ibang mga markang di-SC Johnson ay ari-arian ng kanilang kanya-kanyang mga may-ari. Walang nakapaloob sa Website ang dapat nangangahulugan bilang pagkakaloob, sa pamamagitan ng pagkadamay, estoppel, o hindi man, anumang lisensya o karapatang gumamit ng anumang Tatak Pangkalakal na ipinamalas sa Website nang walang nakasulat na permiso ng SC Johnson o gayong ikatlong partido na maaaring magmay-ari ng ibang mga tatak pangkalakal na ipinamalas sa Website. Ang kawalan ng produkto o pangalan ng serbisyo o logo saan man sa teksto ng Website ay hindi nagpapawalang-bisa ng anumang tatak pangkalakal o ibang mga karapatan sa pag-aaring intelektwal tungkol sa yaong pangalan o logo.

Ang paggamit ng anumang mga Materyales, kabilang ang mga Pagsusumite na isinaad sa ibaba, ay nasa inyong sariling kapahamakan. Ang SC Johnson ay naglalaan ng karapatang magbago ng anuman at lahat ng nilalaman, software, mga aplikasyon, at ibang mga bagay na ginamit o nakapaloob sa Website sa anumang oras nang walang abiso.

PAGIGING KARAPAT-DAPAT

Ang paggamit ng Website ay limitado sa: (a) legal na mga residente ng Estados Unidos na hindi bababa sa 18 taong gulang o edad ng pagiging nakatatanda sa kanyang hurisdiksiyon ng tinitirhan, kung alin man ang mas nakatatanda, at (b) mga indibidwal na nasa labas ng Estados Unidos na mayroong kapangyarihang pumasok sa nakataling kontrata sa amin at hindi haharangan sa paggawa nito sa ilalim ng anumang maikakapit na mga batas sa kanilang tinitirhang bansa.

ELEKTRONIK NA MGA KOMUNIKASYON

Kapag kayo ay gumamit ng Website, pumapayag kayong tumanggap ng mga komunikasyon galing sa amin nang elektroniko.  Kami ay makikipag-ugnayan sa inyo, sa aming pagpapasya, sa pamamagitan ng email o sa pamamagitan ng pagpapaskil ng mga abiso sa Website. Sumasang-ayon kayo na ang lahat ng mga kasunduan, mga abiso, mga pagpapahayag at ibang mga komunikasyon na aming ibinigay sa inyo nang elektroniko ay nagpuno ng anumang legal na pangangailangan na ang gayong mga komunikasyon ay dapat nakasulat.

PAGPAPATALA

Ang pagpapatala ay maaaring kakailanganin upang gumamit o pumasok sa ilang mga bahagi ng Website. Ang SC Johnson ay hahawak ng lahat ng impormasyong natanggap galing sa inyo na may kinalaman sa inyong pagpapatala alinsunod sa Abiso ng Pagkapribado ng SC Johnson.

Hindi kayo maaaring gumamit ng email address na ginamit na ng ibang tao, gumagaya ng ibang tao, pagmamay-ari ng ibang tao (nang wala ang kanyang naunang pahintulot), lumalabag sa intelektwal na pag-aari o ibang mga karapatan ng sinumang tao, bulgar o hindi kaya'y nakagagalit, o aming tinanggihan dahil sa anumang ibang rason sa tangi naming pagpapasya.

Kapag kayo ay magpapatala, lahat ng impormasyong inyong isinumite dapat ay makatotohanan, tumpak, kasalukuyan, at kumpleto. Kung ang impormasyong inyong ibinigay sa SC Johnson ay magbabago, kayo ay sumasang-ayong dagling magbibigay sa amin ng bagong impormayon. Ang SC Johnson ay maaaring magtapos ng inyong kwenta kung anumang impormasyong ibinigay sa amin ay nakitang hindi tumpak, mali, luma na, o hindi kumpleto.

Ang inyong email address at password na inyong ginawa ay inyong magiging impormasyon sa login, at dapat itagong lihim. Kayo ay lubos na responsable para sa lahat na paggamit ng inyong kwenta at para sa anumang mga aksyon na nangyayari gamit ang inyong kwenta, kabilang, nang walang limitasyon, bilang resulta ng anumang pagkawala, pagnakaw, o di-awtorisadong paggamit ng gayong impormasyon sa login. Sa kaganapan ng gayong pagkawala, pagnakaw, o di-awtorisadong paggamit, maaari kaming magpataw sa inyo, sa aming tanging pagpapasya, ng karagdagang mga obligasyong pangseguridad.

PAKIKILAHOK AT MGA PAGSUSUMITE NG GUMAGAMIT

Ngayon o sa iba't ibang mga punto sa hinaharap, ilang mga bahagi ng Website (kabilang, ngunit hindi limitado sa, mga forum, mga blog, mga rebyu o seksyon ng komentaryo, at mga silid ng chat) ay maghahandog ng kakayahan para sa mga gumagamit upang (a) magpaskil o magsumite sa amin ng mga materyales gaya ng mga puna, suhestiyon, ideya, obserbasyon, grapiko, rebyu, komento, datos, opinyon, payo, sulat, guhit, imahen, larawan, tunog at biswal na mga obra, pagrerekord ng bidyo, pagrerekord ng tunog, entri sa pagpapalaganap o ibang impormasyon o nilalamang ginawa ng gumagamit (“Mga Pagsusumite”), (b) pagdiskarga ng mga teksto, bidyo, mga larawan at/o ibang nilalaman patungo sa kompyuter (sa kabuuan, “Kompyuter na Pagdiskarga”), (c) pagdiskarga ng mobile na libangan o ibang nilalaman, gaya ng mga aplikasyon, mga tunog ng pagtawag, laro, mga larawan, balita, tunog, bidyo, larawan at ibang datos na impormasyon sa pamamagitan ng Internet, SMS, MMS, WAP, BREW at ibang mga paraan ng mobile na paghahatid ng nilalaman sa ilang nababagay na mga mobile na gamit (sa kabuuan, “Mobile na Pagdiskarga”), at/o (d) tumingin sa Website. Anumang Kompyuter na Pagdiskarga ay maaari lamang gamitin sa inyong sariling kompyuter (o kompyuter na kontrolado ninyo), at anumang Mobile na Pagdiskarga ay maaari lamang gamitin sa inyong sariling mobile na aparato (o aparatong kontrolado ninyo).

Lahat ng mga Pagsusumite ay ituturing na di-lihim at di-pag-aari. Ang SC Johnson ay hindi magkakaroon ng mga obligasyon patungkol sa mga Pagsusumite. Hindi namin magagarantiyahan na ang ibang mga gumagamit (o ibang ikatlong mga partido) ay hindi gagamit ng mga ideya na inyong ibinahagi. Kung gayon, kung mayroon kayong ideya na gusto ninyong itagong lihim at/o hindi gustong gamitin ng iba, huwag itong ipaskil sa Website. Saka, anumang Pagsusumite na inyong ibinigay sa amin ay dapat nagsasalamin ng inyong tapat na mga opinyon, nakita, paniniwala o karanasan, at nakapaloob sa inyong personal na kaalaman, at hindi dapat magsinungaling ng anuman tungkol sa inyong relasyon sa SC Johnson. Halimbawa, ang gumagamit ay dapat maghayag ng anumang materyal na koneksyon, kung mayroong umiiral, sa pagitan niya at SC Johnson sa anumang Pagsusumite na naglalaman ng pag-endorso.

Ang SC Johnson ay hindi at hindi kayang magrepaso ng lahat na Pagsusumiteng ibinigay ng mga gumagamit at hindi responsable para sa nilalaman ng mga Pagsusumiteng ito, ni ang SC Johnson ay nag-eendorso ng anumang mga Pagsusumite. Kaya, hindi namin magagarantiyahan ang katumpakan, integridad o kalidad ng mga Pagsusumite, at hindi namin kayang masiguro sa inyo na ang nakasasama, hindi tumpak, mapanlinlang, nakagagalit, nakatatakot, nakasisirang-puri, labag sa batas o hindi kaya di-kanais-nais na mga Pagsusumite ay hindi lilitaw sa Website. Hindi ninyo dapat akalaing anumang mga Pagsusumite ay nagsasalamin ng mga opinyon o mga patakaran ng SC Johnson. Iyan ang kaso kahit pa ang mga Pagsusumite ay maaaring magbilang ng mga komento tungkol sa ibang mga Pagsusumite ng gumagamit, o mga komento tungkol sa ilan sa aming mga produkto, serbisyo, pagpapalaganap, Website o ibang parehong impormasyon.

Kayo ay tanging responsable para sa (a) anumang Pagsusumite na inyong ipinaskil sa o sa pamamagitan ng Website, (b) anumang materyales o impormasyon na inyong ibinigay sa amin o ibang mga gumagamit (o ibang tumingin sa Website), at (c) inyong interaksyon sa ibang mga gumagamit (o ibang tumingin sa Website). Sa pamamagitan ng pagpapadala ng Pagsusumite sa Website, pinapakawalan ninyo ang SC Johnson sa anumang tungkulin o obligasyon na maaari sanang mayroon ito upang magrepaso o umaksyon sa pagsagot sa mga Pagsusumite, at sa anumang tungkulin o obligasyon na maaari sanang mayroon ito sa inyo patungkol sa anumang aksyon na pipiliin nito sa pagsagot sa inyong mga Pagsusumite.

Kinikilala ninyo na sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng kakayahang magsumite, tumingin o magpamahagi nitong mga Pagsusumite, kami ay umaakto lamang bilang di-aktibong padaluyan at hindi nagsasagawa ng anumang obligasyon o pananagutang may kaugnayan sa mga nilalaman ng Pagsusumite, o mga gawain ng mga gumagamit sa Website. Gayunman, aming inilalaan ang karapatang magbago, mag-edit, tumangging magpaskil, magrepaso, magwaksi, humarang, magtanggal o kumuha ng anumang ibang aksyon na maaari naming ipagpalagay na kailangan upang harapin ang anumang mga Pagsusumite. Ito ay maaaring kabilangan ng yaong mga Pagsusumite kung saan nakita naming abusado, nakasisirang-puri, malaswa, mandaraya, labag sa karapatan ng ikatlong partido, kabilang, ngunit hindi limitado, sa mga karapatan sa pag-aaring intelektwal o mga karapatan ng pagsasapubliko o pagkapribado, o hindi kaya nakagagalit o ipagpalagay na hindi katanggap-tanggap sa amin sa aming tanging pagpapasya. Gayong mga aksyon ay maaaring kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, pagtanggal ng nilalaman na diumano hindi sumasang-ayon sa mga Pagtatakdang ito, pagtapos ng pagpasok ng gumagamit sa Website at pagtanggal ng lahat na Pagsusumiteng isinumite ng sinumang mga taong napagpasiyahan naming lumabag o muling lumabag.

Kung kami ay inabisuhan ng sinumang gumagamit na ang Pagsusumite ay diumano hindi sumasang-ayon sa mga Pagtatakdang ito, maaari naming imbestigahan ang pinagsasabi at pagpasiyahan sa aming tanging pagpapasya ang angkop na aksyong gagawin. Wala kaming pananagutang anuman para sa pag-edit, pagtanggal, o pagpatuloy sa pagpermiso sa pagpamalas ng anumang mga Pagsusumite.

Maaari kaming kumuha ng maraming mga Pagsusumite sa Website na naglalaman, o hindi kaya bumuo nang sarili nila, o sa pamamagitan ng mga ikatlong partidong nagbebenta na aming kinasundo, mga ideya, mga naimbento, mga materyales at ibang nilalaman na maaaring katulad o pareho sa tema, ideya, format o ibang mga patungkol sa Pagsusumite na inyong ginawa sa Website. Halimbawa, ang SC Johnson ay aktibong nakikisangkot sa pananaliksik at pagpapaunlad para sa bagong mga produkto at serbisyo, at sa paggawa ng pamimili at pag-aanunsiyo na mga materyales at ibang nilalamang may kaugnayan sa aming mga produkto at serbisyo o na maaari sa ibang paraan nasa interes ng ibang mga gumagamit, sa aming sarili at sa pamamagitan ng ikatlong partidong mga nagbebenta. Sa pagbibigay ng Pagsusumite, naiintindihan ninyo na inuurong ninyo ang anuman at lahat na mga paghahabol na maaaring nagkaroon kayo, maaaring mayroon, at/o maaaring magkaroon sa hinaharap base sa anumang ideya, imbento, akda, bidyo at/o ibang mga obrang ginamit ng SC Johnson (o mga nakatalaga) na ibinabase sa, o di kaya pagiging katulad sa o pareho sa, anumang mga Pagsusumiteng ginawa ninyo sa Website.

KUNG KAYO AY NAGSUMITE NG MATERYAL SA AMIN:

(1) Sa pamamagitan nito kayo ay nagbibigay sa amin ng di-eksklusibo, sa buong mundo, lubos na bayad at walang royalty, magpakailanman, hindi mababago at walang katapusang lisensya sa paggamit, pag-edit, pamamahagi, pagtanghal, pagpamalas, pagsapi, paggawa ng bagong lisensya, at paggawa ng hangong mga obra sa lahat o anumang bahagi ng inyong Pagsusumite sa anumang paraang nakikita naming akma at para sa anumang mga pakay kahit anuman.

Ito'y nangangahulugang, sa gitna ng iba pa, na:

  • Hindi namin kailangang ituring ang anumang gayong Pagsusumite bilang lihim.
  • Kung gagamitin namin ang gayong Pagsusumite o hayaan ang ibang gamitin ang gayong Pagsusumite -- o kahit anong gaya ng gayong Pagsusumite -- hindi namin kayo kailangang bayaran o kahit sinuman para sa gayong Pagsusumite o paggamit.
  • Maaari naming gamitin ang gayong Pagsusumite para sa anumang pakay, na hindi kayo binabayaran o inaabisuhan o kahit sinuman para sa gayong Pagsusumite o paggamit.
  • Maaari naming gamitin ang gayong Pagsusumite sa website, digital, lathala o anumang ibang media sa buong mundo magpakailanman.

(2) Hanggang sa saklaw ng anumang karapatang maaaring mayroon kayo sa o nauugnay sa anumang Pagsusumite na hindi maaaring bigyan ng lisensya sa SC Johnson sa ilalim ng maikakapit na batas o legal na teorya, sa pamamagitan nito kayo ay hindi nagbabagong nagpapakawala at umuurong ng anuman at lahat ng gayong mga karapatan, kabilang, ngunit hindi limitado sa, anumang karapatan sa pagsasapubliko, karapatan ng pagkapribado, mga karapatan sa sekreto ng kalakal, at “moral na mga karapatan” o anumang ibang karapatang patungkol sa pagpapalagay sa pag-akda o integridad ng mga materyales, o anumang ibang mga karapatan ng pag-aaring intelektwal.

(3) Inyong kinikilala na kayo ay responsable sa anumang Pagsusumite na inyong ginawa -- sa ibang salita, kinikilala ninyo na kayo (at hindi kami) ang mayroong lubos na responsibilidad para sa Pagsusumite, kabilang ang pagiging legal nito, pagkamapagkakatiwalaan, pagkaangkop, pagkaorihinal, at pagtupad sa mga katugong batas.

(4) Inyo ring kinikilala na wala kaming anumang obligasyong gumamit, magpaskil, o sumagot sa anumang Pagsusumite. Maaari namin kayong tawagan o sinumang ikatlong mga partido upang patunayan ang impormasyong nakapaloob sa Pagsusumiteng inyong ibinigay sa amin, kumuha ng karagdagang komentaryo, at upang isapelikula, irekord at gumawa ng rekord ng anumang mga pahayag na inyong ginawa o ng iba sa takbo ng ating mga pag-uusap o pakikipagsulatan sa inyo. Sumasang-ayon kayo na ang anumang materyales na ginawa galing sa gayong mga gawain ay magiging pagmamay-ari namin at maaaring gamitin sa anumang paraang ipinapalagay naming nararapat. Maaari rin kaming magpadala sa inyo ng impormasyon at mga abiso tungkol sa inyong Pagsusumite sa pamamagitan ng Website, sa pamamagitan ng email o ibang mga paraan base sa impormasyong inyong ibinigay sa amin na nauugnay sa inyong Pagsusumite.

Ang SC Johnson ay naglalaan ng karapatan sa anumang oras at sa pana-panahon upang itigil, pansamantala o permanente, ang pagtanggap ng ilan o lahat ng Pagsusumite at/o ang inyong kakayahang pasukin ang Pagsusumite na mayroon o walang abiso sa kanyang tanging pagpapasya. Sumasang-ayon kayo na ang SC Johnson ay hindi dapat managot sa inyo o sa sinuman para sa anumang suspensyon o pagtigil ng pagtanggap ng anumang Pagsusumite.

KODIGO NG ASAL

Bagaman kami ay hindi responsable para sa asal ng aming mga gumagamit o Pagsusumiteng kanilang ginawa, gusto naming ang Website ay maging isang lugar sa internet kung saan ang nilalaman ay hindi lumalabag sa mga karapatan ng sinumang tao, nakagagalit o nakasasakit sa tao. Kaya, sa paggamit ng Website, mangyaring HUWAG gumawa ng alinman sa sumusunod:

  • magsumite ng materyal na may karapatang-ari, protektado ng sekreto ng kalakal o hindi kaya nasa ilalim ng ikatlong partidong karapatan sa pag-aari, kabilang ang tatak pangkalakal, mga patent, pagkapribado ang pagsasapublikong mga karapatan (hal., paggamit ng pangalan ng iba o kagaya o larawang kinuha ng ibang taong walang kanyang pahintulot) - kayo ay dapat lamang magsumite ng mga materyal na eksklusibo ninyong pagmamay-ari;
  • maglathala ng mga kabulaanan o gumawa ng mga pahayag na kayang sumira sa amin o kanino man;
  • magsumite ng materyal na labag sa batas, malaswa, bulaan, mapanlinlang, nakasisirang-puri, libeloso, nakatatakot, kapoot-poot, pornograpiko, nakagagalit sa lahi o katutubong grupo, nagbabangon ng pananagutang sibil, lumalabag sa anumang batas o hindi kaya'y hindi angkop;
  • magsumite ng mga materyal na nagtataguyod ng alak, hindi legal na mga droga, tabako, baril/armas (o ang paggamit ng anuman sa mga naunang nabanggit);
  • magpaskil ng mga anunsiyo o panghihingi ng negosyo;
  • sumabat sa operasyon ng Website sa anumang paraan kahit anuman, kabilang ang pagpataw ng hindi makatwirang karga sa Website;
  • mag-ani o hindi kaya'y magkolekta ng impormasyon tungkol sa iba, kabilang ang mga email address, nang wala ang kanilang pahintulot;
  • intindihin, ikalat, buwagin, o pabaligtad na likhain ang anumang software kabilang o sa anumang paraan ang paggawa ng bahagi ng Website;
  • talunin ang mga mekanismo ng seguridad, imbestigahan o tuklasin kung paano talunin ang mga mekanismo ng seguridad, o magbigay ng impormasyon tungkol sa mga pamamaraan ng pagtalo ng mga mekanismo ng seguridad, kabilang ang pagpayag sa ibang taong pasukin ang Website gamit ang mapagkakatiwalaang dokumentong ibinigay sa inyo, o sa pamamagitan ng pagpeke, pagbura, o pagtago ng header ng Internet Protocol, nagpadala ng email, o ibang mapagkikilanlang impormasyon;
  • lumabag sa anumang lokal, estado, pambansa o internasyonal na batas o magpaskil ng anumang Pagsusumite na maghihikayat o magbibigay ng direksyon para sa kasalanang kriminal;
  • magsinungaling sa inyong sarili, edad o inyong pagkaanib sa sinumang tao o entidad, kabilang, walang limitasyon, patungkol sa anumang relasyon o materyal na koneksyon mayroon kayo sa SC Johnson;
  • gamitin ang Website upang magpadala o gawing pakikinabangan ang anumang di-hinihingi o
    di-awtorisadong pag-aanunsiyo, mga panghihingi, pagpapalaganap na materyales, “basurang koreo”, “spam,” “kadenang mga sulat,” “mga iskemang piramide,” o anumang ibang klase ng panghihingi;
  • ipaskil o ibahagi ang anumang personal na mapagkikilanlan o pribadong impormasyon ng sinumang ikatlong partido;
  • humingi ng mga password o personal na impormasyon galing kaninuman;
  • gumamit ng impormasyon o nilalamang inyong kinuha sa Website sa anumang paraang hindi awtorisado ng mga Pagtatakdang ito;
  • magpaskil ng anumang materyal na naglalaman ng software na mga virus o anumang ibang kodigo ng kompyuter, mga file o programang nadisenyo upang gambalain, sirain o limitahan ang paggana ng anumang software ng kompyuter o hardware o telekomunikasyong kagamitan;
  • magpatala sa mahigit isang kwenta o gumamit o magtangkang gumamit ng kwenta ng iba, serbisyo o sistemang walang pagpapahintulot o gumawa ng maling pagkakilanlan sa Website; o
  • lumahok sa anumang naninila o nagsusubaybay na asal, o manakot o manggipit sa sinuman.

Ang sumusunod ay mga pangunahing dapat at di-dapat para sa pakikipag-ugnayan sa Website

  • Maging magalang sa iba, lalo na kapag hindi sumasang-ayon sa kanila.
  • Ang debate ay dakila, ngunit dapat gawin ito sa nakatutulong na paraan.
  • Maging responsable sa inyong sariling salita.

MGA MOBILE NA APARATO

Kung pinahihintulutan o makukuha sa pamamagitan ng Website, upang (a) magkarga ng nilalaman sa Website sa pamamagitan ng inyong mobile na aparato, (b) tumanggap at sumagot sa mga mensahe, o pumasok o gumawa ng mga paskil gamit ang tekstong pagmemensahe, (c) magbrowse ng Website mula sa inyong mobile na aparato, at/o (d) pasukin ang ilang mga katangian sa pamamagitan ng mobile na aplikasyong inyong nadiskarga at nailagay sa inyong mobile na telepono (sa kabuuan ang “Mobile na mga Serbisyo”), kailangan ninyong magkaroon ng mobile na plano ng suskripsyon kasama ang lumalahok na mobile na tagapagdala at ang inyong wireless na plano ng suskripsyon ay dapat nagbibigay sa inyo ng kinakailangang paggana. Maaari kayong kakailanganing magbayad ng mga bayarin sa serbisyo sa inyong tagapagdala at sa ibang ikatlong mga partido kapag pumapasok at gumagamit ng kanilang mga serbisyo. Kailangan ninyong suriin ang plano na mayroon kayo sa inyong tagapagdala upang alamin kung anong mga singilin ang maaari ninyong mapala.

MGA SWIPISTIK AT PALIGSAHAN

Anumang mga swipistik, paligsahan, laro at/o pagpapalaganap na mga handog na puwedeng pasukin sa Website ay pinamamahalaan ng tiyak na mga tuntunin at/o mga pagtatakda at kondisyon. Sa pagpasok sa mga swipistik o paligsahan o paglahok sa gayong mga laro o pagpapalaganap na mga handog na mayroon sa Website, kayo ay nagpapasakop sa mga tuntuning iyon at/o pagtatakda at kondisyon. Sobrang mahalaga na inyong basahin ang mga maikakapit na tuntunin at/o mga pagtatakda at kondisyon, kung saan naugnay mula sa partikular na pahina o gawain. Hanggang sa saklaw ng anumang di-pagkakasundo sa pagitan ng yaong mga tuntunin at/o pagtatakda at kondisyon at mga Pagtatakdang ito, ang mga tuntunin at/o mga pagtatakda at kondisyon para sa mga swipistik, paligsahan, laro o pagpapalaganap na handog ay mamahala, ngunit hanggang sa saklaw lamang ng di-pagkakasundo.

MGA PAGKAKATAON NG PAGSANGGUNI

Maaari kaming maghandog sa pana-panahon ng mga programa ng pagsangguni na pumapayag sa inyong magsumite ng impormasyon tungkol sa inyong mga kaibigan o pamilya (“Isinangguning Tao”), kabilang, walang limitasyon, sa mga email address, numero ng telepono, pangalan, mga address ng kalye at ibang impormasyon sa pagkontak, upang sila ay maaaring tumanggap ng impormasyon at/o mga pagpapalaganap na handog tungkol sa Website at mga katangian nito. Maaari naming gamitin at itago ang anumang gayong impormasyong aming nakolekta galing sa inyo tungkol sa Isinangguning Tao alinsunod sa aming Abiso ng Pagkapribado, at hanggang sa saklaw lamang na kinakailangan upang isagawa ang inyong hiling. Hindi namin gagamitin ang anumang gayong impormasyong para sa anumang ibang pakay maliban kung nagpahintulot ang Isinangguning Tao sa paggamit para sa gayong ibang pakay. Maaari lamang kayong magsangguni ng mga tao kung kayo ay mayroong personal na relasyon. Kailangang nakuha ninyo ang pahintulot ng Isinangguning Tao bago ang pagbibigay sa amin ng kanyang impormasyon sa pagkontak. Inilalaan namin ang karapatang limitahan ang bilang ng Isinangguning mga Tao na maaari ninyong isumite. Inilalaan namin ang karapatang limitahan ang bilang ng mga paglipat sa sinumang partikular na Isinangguning Tao sa pana-panahon. Hindi ninyo maaaring bawiin ang impormasyon sa pagkontak na inyong ibinigay para sa Isinangguning Tao kapag naisumite na ito. Ang Isinangguning Tao ay kailangang (a) legal na residente ng Estados Unidos na hindi bababa sa 18 taong gulang o edad ng pagiging nakatatanda sa kanyang hurisdiksiyon ng tinitirhan, kung alinman ang mas nakatatanda, o (b) isang indibidwal na nasa labas ng Estados Unidos na may kapangyarihang pumasok sa nakataling kontrata sa amin at hindi haharangan sa paggawa nito sa ilalim ng anumang maikakapit na mga batas sa kanyang bansang tinitirhan, o gayong ibang edad na itinalaga sa pahina ng pagpapalista, at kayang magpatala para sa mga katangiang inihandog sa Website at sa ibang paraan gagamit sa Website. Inilalaan namin ang karapatang magdagdag ng karagdagang mga paghihigpit sa kung sino ang maaaring isangguni. Ang impormasyon sa pagkontak para sa Isinangguning Tao ay kailangang may bisa at gumagana upang aming matawagan siya tungkol sa Website o sa mga katangian nito. Hindi kami magiging responsable para sa pagpapatunay ng impormasyon sa pagkontak na inyong ibinigay. Maaari kaming maghalal na HINDI makikipag-usap sa sinumang Isinangguning Tao at/o email address kung siya ay lumilitaw na nasa anuman sa aming “huwag tawagan” o “huwag iemail” na mga listahan. Karagdagan, inilalaan namin ang karapatang itanggi ang pakikilahok ng sinumang Isinangguning Tao kung (a) ang impormasyon sa pagkontak na ibinigay ninyo sa amin ay hindi wasto o walang bisa, (b) gayong indibidwal ay lumabag sa anumang probisyon sa mga Pagtatakdang ito, o (c) napagpasyahan namin sa aming tanging pagpapasya na ang pakikilahok ng gayong indibidwal ay maaaring nakasasama sa amin, sa Website, anumang serbisyo o katangian, o sinumang ikatlong partido para sa anumang rason, o para sa anumang ibang rason na napagpasyahan sa aming pagpapasya.

Kung inyong ginamit nang hindi wasto ang anumang programa ng pagsangguni o hindi kaya nakisangkot sa hindi nararapat na kilos patungkol sa programa ng pagsangguni, na aming napagpasyahan sa aming tanging pagpapasya, inilalaan namin ang karapatang tanggihan kayo sa patuloy na pagpasok sa Website. Mga pabuya, premyo, o mga programa ng pagsangguni ay isasailalim sa karagdagang mga pagtatakda at kondisyon na ipapaskil sa gayong panahong ang mga programa ay makukuha na. Hanggang sa saklaw ng anumang di-pagkakasundo sa pagitan ng mga pagtatakdang iyon at mga kondisyon at mga Pagtatakdang ito, ang mga pagtatakda at kondisyon para sa pabuya, premyo o programa ng pagsasangguni ang mamahala, ngunit hanggang sa saklaw lamang ng di-pagkakasundo. Inilalaan namin ang karapatan, sa aming tanging pagpapasya, na magsuspinde, pansamantala o permanente, o tumigil sa pagbibigay ng anuman at lahat na mga programa ng pagsasangguni nang walang abiso, katwiran o pananagutan.

Kung kayo ay gumagamit ng Website upang makipag-ugnayan sa Isinangguning Tao (o sinumang ikatlong partido), sumasang-ayon kayong huwag gamitin ang Website upang saktan ang Isinangguning Tao o anumang ibang ikatlong partido, at/o gamitin ang Website sa paglabag ng anumang maikakapit na mga batas, tuntunin o regulasyon o mga Pagtatakda.

Kung kami sa anumang oras ay nagpakilala ng paraan ng online na komunikasyong para lamang sa mga miyembro, maaari kaming magpataw ng lahat o ilan sa mga parehong mga paghihigpit na inilatag sa itaas, habang aming pinagpapasyahan sa aming tanging pagpapasya, at makipag-ugnayan at magbigay ng mahalagang mga abiso sa inyo sa pamamagitan ng gayong online na sistema ng komunikasyon.

MGA KATANGIAN NG PAGBOTO/PAG-AANTAS

Para sa anumang mga katangian ng pagboto/pag-aantas na makukuha sa Website, kailangan ninyong sumunod sa mga tagubilin sa Website upang magsumite ng inyong mga boto/pag-aantas, kabilang walang limitasyon, sa anumang mga paghihigpit na nailatag patungkol sa mga limitasyon sa pagboto/pag-aantas. Mga pagboto/pag-aantas na natanggap galing sa inyo na sobra sa anumang limitasyon sa pagboto/pag-aantas ay tatanggalin. Bayad o ibang konsiderasyon kapalit sa mga pagboto/pag-aantas ay ipinagbabawal. Mga pagboto/pag-aantas na nililikha sa pamamagitan ng script, macro o ibang kusang mga paraan o anumang ibang mga paraang nauukol upang banggain ang integridad ng proseso ng pagboto/pag-aantas na pinagpasyahan namin ay maaaring mawalan ng bisa. Inilalaan namin ang karapatan, sa aming tanging pagpapasya, na tanggalin ang sinumang taong nakita naming lumalabag sa mga Pagtatakdang ito, sumisira sa proseso ng pagboto/pag-aantas, o kumikilos sa di-magalang o di-maayos na gawi at ipawalang-bisa ang lahat ng nauugnay na mga pagboto/pag-aantas. Ang aming mga desisyon patungkol sa lahat na mga aspekto ng anumang elemento ng pagboto/pag-aantas ay hindi mababago at nakatali, ngunit hindi limitado sa, patungkol sa pagbilang ng mga boto/antas at sa pagpapawalang-bisa o pagpapaalis ng anumang sinususpetsahang mga boto/antas o mga botante/tagaantas.

MGA OKASYON

Kayo ay maaaring imbitahan o sabihang pumunta sa mga okasyong inisponsor ng SC Johnson, mga okasyong inisponsor ng aming mga kasama sa negosyo o mga okasyong itinatanghal ng mga gumagamit ng Website na hindi sa anumang paraan nauugnay sa SC Johnson (sa kabuuan, “Mga Okasyon”). Ang inyong pakikilahok sa anumang mga Okasyon at sa inyong sariling kapahamakan at sa pamamagitan nito kayo ay sumasang-ayong pakawalan at hindi ipahamak ang SC Johnson mula sa at laban sa anumang mga pananagutan, mga paghahabol, kasiraan, gugol at gastos, kabilang ang walang limitasyon, ang anumang pagkapinsala o pagkamatay sa inyo o sa inyong menor de edad na mga anak o mga alaga, at makatwirang mga bayarin sa abogado at mga gugol, na nagreresulta sa pagpunta sa mga Okasyon o pakikilahok sa anumang gawaing makukuha sa mga Okasyon. Kayo rin sa pamamagitan nito ay sumasang-ayon na kami (at aming mga nakatalaga) ay maaaring magsapelikula at magrekord ng anumang mga Okasyong inisponsor ng SC Johnson kung saan kayo o ang inyong menor de edad na mga anak o mga alaga ay lumalahok, at kayo sa pamamagitan nito ay sumasang-ayon na ang gayong mga pelikula at mga pagrekord ay aariin ng SC Johnson at kami (at aming mga nakatalaga) ay maaaring gumamit ng inyong o inyong menor de edad na mga anak o pangalan ng mga alaga, pagkakatulad, boses, pagtatanghal at ibang mga gawaing kung saan kayo o inyong menor de edad na mga anak o mga alaga ay nakisangkot para sa anumang pag-aanunsiyo, pagpapalaganap o ibang nasasabatas na pakay sa anuman at lahat na media, ngayon o nakilala pagkatapos, sa buong mundo magpakailanman nang walang abiso, pagpayag o kabayaran sa inyo o sa anumang ikatlong partido. Maaari naming ikondisyon ang inyong pagpunta sa Okasyon sa pagkuha ng inyong nakasulat na kumpirmasyon sa gayong kasunduan.

IMPORMASYON NG PRODUKTO

MAHALAGA: ANG MGA PAGSUSUMITE SA WEBSITE AY MAAARING KABILANG ANG MGA SUHESTIYON PARA SA MGA PAGGAMIT NG MGA PRODUKTO NG SC JOHNSON NA HINDI PA NASISIYASAT O NAAPRUBAHAN NG SC JOHNSON. Ang SC Johnson ay hindi nag-eendorso o nag-aapruba ng paggamit ng anuman sa kanyang mga produkto sa anumang paraan maliban sa mga ukol na gamit ng produkto na nailarawan sa pagbabalot nito. Hindi kayo dapat gumamit ng anumang produkto ng SC Johnson sa anumang paraan maliban sa paraang kung saan ito iniukol upang gamitin.

MGA SIGALOT SA PAGITAN NG MGA GUMAGAMIT

NAIINTINDIHAN NINYO AT SUMASANG-AYON NA KAYO AY TANGING RESPONSABLE PARA SA INYONG INTERAKSIYON SA IBANG MGA GUMAGAMIT O IKATLONG MGA PARTIDO. ANG SC JOHNSON AY NAGLALAAN NG KARAPATAN, NGUNIT WALANG OBLIGASYON, SA PAGSUBAYBAY NG MGA SIGALOT SA PAGITAN NINYO AT IBANG MGA GUMAGAMIT (AT IBANG IKATLONG MGA PARTIDO) AT SA PAGTAPOS NG INYONG PAGPASOK SA WEBSITE KUNG NAPAGPASYAHAN NG SC JOHNSON, SA TANGI NITONG PAGPAPASYA, NA ANG PAGGAWA NITO AY NAPAG-ISIPAN.

LIMITASYON NG PANANAGUTAN

ANG SC JOHNSON AY HINDI MANANAGOT PARA SA ANUMANG MGA SIRA O PAGKAPINSALA NA KAALINSABAY O NAGRESULTA MULA SA INYONG PAGGAMIT NG WEBSITE.

KINABIBILANGAN ITO (NGUNIT HINDI LIMITADO SA) MGA SIRA O PAGKAPINSALA NG DAHIL SA ANUMANG:

  • PAGGAMIT NG (O KAWALAN NG KAKAYAHANG GUMAMIT NG) WEBSITE;
  • PAGGAMIT NG (O KAWALAN NG KAKAYAHANG GUMAMIT NG) ANUMANG WEBSITE NA INYONG INI-HYPERLINK MULA SA AMING WEBSITE;
  • PAGKABIGO NG PAGGANAP;
  • MALI;
  • PAGKAKALIGTA;
  • PAGKAGAMBALA;
  • DEPEKTO;
  • PAGKAANTALA SA OPERASYON O PAGLILIPAT;
  • VIRUS NG KOMPYUTER; O
  • PAGKABIGO NG LINYA.

ISAISIP NA KAMI AY HINDI MANANAGOT PARA SA ANUMANG MGA SIRA KUNG ANUMAN, KABILANG, WALANG LIMITASYON:

  • MGA SIRANG UKOL SA PAGBAYAD SA ISANG TAONG DIREKTA PARA SA PAGKAWALA O PAGKAPINSALA;
  • HINDI DIREKTA, ESPESYAL, NAGPAPARUSA, O KATANGI-TANGING MGA SIRA;
  • MGA SIRANG MAKATWIRANG INAASAHANG MAGRERESULTA MULA SA PAGKAWALA O PAGKAPINSALA (SA LEGAL NA USAPAN, “PINAGBUHATANG MGA SIRA”); O
  • IBANG SAMU'T-SARING MGA SIRA AT MGA GASTOS NA DIREKTANG NAGRERESULTA MULA SA PAGKAWALA O PAGKAPINSALA (SA LEGAL NA USAPAN, “NAGKATAONG MGA SIRA”).

BUKOD PA DITO, HINDI KAMI MANANAGOT KAHIT PA KAMI AY NAGPABAYA O KAMI AY PINAYUHAN NG MGA POSIBILIDAD NG GAYONG MGA SIRA -- O PAREHO.

PAGBUBUKOD: SA ILANG MGA HURISDIKSIYON ANG BATAS AY MAAARING HINDI PUMAYAG NA AMING LIMITAHAN O HINDI ISAMA ANG PANANAGUTAN PARA SA MGA “NAGKATAON” O “PINAGBUHATANG” MGA SIRA NA ITO, KAYA ANG MGA LIMITASYON SA ITAAS AY MAAARING HINDI MAIKAKAPIT, AT KAYO AY MAAARING NGANG MAGKAROON NG KARAPATANG BAWIIN ANG GANITONG MGA TIPONG SIRA. NGUNIT SA ANUMANG KAGANAPAN, ANG AMING PANANAGUTAN SA INYO PARA SA LAHAT NA PAGKAWALA, MGA SIRA, PAGKAPINSALA, AT PAGHAHABOL NG BAWAT URI (KUNG ANG MGA SIRA AY HINABOL SA ILALIM NG MGA PAGTATAKDA NG KONTRATA, O SILA'Y HINABOL NA NAGING DAHILAN NG KAPABAYAAN O IBANG MALING ASAL, O SILA'Y HINABOL SA ILALIM NG ANUMANG IBANG LEGAL NA TEORYA) AY HINDI HIHIGIT PA SA HALAGANG INYONG BINAYARAN SA PAGPASOK SA WEBSITE.

PAGKAKAILA

ANG MGA MATERYALES SA AMING WEBSITE AY BINIBIGAY “BILANG GANOON.” IBIG SABIHIN NITO NA ANG SC JOHNSON AY NAGKAKAILA NG LAHAT NG NAIHAYAG AT DI-DIREKTANG NAIHAYAG NA MGA GARANTIYA TUNGKOL SA MATERYAL SA WEBSITE.

KINABIBILANGAN ITO (NGUNIT HINDI LIMITADO SA) MGA GARANTIYA:

  • NA ANG MATERYAL AY MAIKAKALAKAL AT AY GAWA SA ANUMANG PARTIKULAR NA ANTAS NG KALIDAD O ANGKOP PARA SA PARTIKULAR NA PAKAY;
  • NA ANG GUMAGANANG MGA ELEMENTONG NAKAPALOOB SA MGA MATERYALES AY HINDI GAGAMBALAIN O MALAYA SA KAMALIAN;
  • NA ANG MGA DEPEKTO AY IWAWASTO;
  • NA ANG AMING MGA SITE O MGA SERVER NA GUMAGAWANG MAKUHA ANG MGA ITO AY MALAYA SA MGA VIRUS O IBANG NAKASASAMANG MGA BAHAGI; AT
  • NA ANG MATAGUMPAY NA MGA RESULTA O KAHIHINATNAN AY MAGRERESULTA MULA SA MAAYOS NA PAGSUNOD SA ANUMANG MGA DIREKSYON, TAGUBILIN O MGA RESIPENG NAKAPALOOB SA MGA MATERYALES.

DAGDAG SA NASA ITAAS, KAYO (AT HINDI ANG SC JOHNSON) ANG MAGBABALIKAT NG BUONG GUGOL NG LAHAT NG KINAKAILANGANG PAGSESERBISYO, PAGPAPAAYOS O PAGWAWASTO.

ANG SC JOHNSON AY HINDI KAYANG MAGKONTROL NG MGA AKSYON NG IBANG MGA GUMAGAMIT NA INYONG PINILING IBAHAGI ANG INYONG IMPORMASYON. KAYA, HINDI NAMIN MAAARI AT HINDI MAGAGARANTIYAHAN NA ANG MGA PAGSUSUMITE AY HINDI TITINGNAN NG DI-AWTORISADONG MGA TAO O GAMITIN PARA SA DI-MAAYOS NA MGA PAKAY. ANG SC JOHNSON AY HINDI RESPONSABLE PARA SA ANUMANG PAGLUSOT SA MGA KAAYUSAN NG PAGKAPRIBADO O MGA PAMAMARAAN SA SEGURIDAD NA NAKAPALOOB SA WEBSITE. KINIKILALA NINYO AT NAUUNAWAAN NA, KAHIT PAGKATAPOS NG PAGTANGGAL, MGA KOPYA NG MGA PAGSUSUMITE AY MAAARING MANATILING MAKIKITA SA NA-CACHE O NA-ARCHIVE NA MGA PAHINA O KUNG ANG IBANG MGA GUMAGAMIT AY KUMOPYA O NAGTAGO NG INYONG MGA PAGSUSUMITE.

ANUMANG AKSYONG GINAWA SA PAGSAGOT SA IMPORMASYON, MGA OPINYON, PAYO, O MGA SUHESTIYONG HINANDOG, PINAG-USAPAN O IPINASKIL SA WEBSITE, KABILANG ANG ANUMANG MGA NILALAMANG NADISKARGA O HINDI KAYA KINUHA SA PAMAMAGITAN NG INYONG PAGGAMIT SA WEBSITE AY NASA INYONG SARILING KAPAHAMAKAN. KAYO AY TANGING RESPONSABLE PARA SA ANUMANG MGA AKSYON SA PAGSAGOT SA ANUMANG GAYONG IMPORMASYON, MGA OPINYON, PAYO, O MGA SUHESTIYON, O PARA SA ANUMANG PAGKAWALA O SIRA NA ANUMANG URI NA LUMITAW MULA SA ANUMANG GAYONG AKSYON, KABILANG ANG ANUMANG SIRA SA SISTEMA NG INYONG KOMPYUTER O PAGKAWALA NG DATOS NA NAGRESULTA MULA SA PAGDISKARGA NG ANUMANG GAYONG NILALAMAN.

PAGBUBUKOD: SA ILANG MGA HURISDIKSIYON, ANG BATAS AY MAAARING HINDI MAGPAHINTULOT SA AMING MAGKAILA O HINDI ISAMA ANG MGA GARANTIYA, KAYA ANG PAGKAKAILA SA ITAAS AY MAAARING HINDI MAIKAKAPIT SA INYO.

PAGBABAYAD NG DANYOS

Kayo ay sumasang-ayon na magbabayad ng danyos at hindi ipapahamak ang SC Johnson, aming mga kaanib na entidad, at bawat isa sa aming mga opisyal, direktor, empleyado, kinatawan at ahenteng sa anumang paghahabol, demanda, pagkawala, gastos, pananagutan o mga sirang (kabilang ang makatwirang mga bayarin sa abogado at mga gugol) lumalitaw mula sa:

  • inyong paggamit ng Website,
  • inyong paggamit sa anumang Pagsusumite,
  • inyong pakikilahok sa anumang serbisyo o programang handog sa o sa pamamagitan ng Website,
  • inyong paglabag o diumanong paglabag sa mga Pagtatakdang ito,
  • anumang Pagsusumiteng inyong ipinaskil, o
  • inyong diumanong paglabag sa mga karapatan ng sinumang ikatlong partido (kabilang, nang walang limitasyon, sa mga paghahabol ng paninira, panghihimasok sa pagkapribado, karapatang magsapubliko, paglabag ng tiwala, paglabag sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patent, o anumang ibang karapatan sa pag-aaring intelektwal).

Inilalaan namin ang karapatang eksklusibong ipagtanggol at magkontrol ng anumang mga paghahabol na lumilitaw mula sa itaas at anumang gayong mga bagay ng pagbabayad ng danyos at kayo ay lubos na makikisama sa amin sa anumang gayong mga pagtatanggol.

TAGAL AT PAGTATAPOS NG MGA PAGTATAKDA AT KONDISYON NG PAGGAMIT

Ang mga Pagtatakdang ito ay kakapit sa inyo sa sandali na una ninyong ginamit ang Website. Ang SC Johnson ay maaaring tumapos ng mga Pagtatakdang ito, o anumang bahagi nito, sa anumang oras at walang abiso sa inyo, sa anumang dahilan. Gayunman, ang mga bahaging kumakaharap sa MGA PAGHIHIGPIT SA INYONG PAGGAMIT NG MGA MATERYALES SA WEBSITE, LIMITASYON NG PANANAGUTAN, PAGBABAYAD NG DANYOS, PAGKAKAILA, at HURISDIKSIYON ay makakaligtas sa pagtatapos.

Karagdagan, ang SC Johnson ay karapat-dapat upang magsuspinde, maghigpit, o magtapos ng lahat o bahagi ng Website, o inyong pagpasok o paggamit nito, sa anumang oras, nang walang abiso sa inyo.

HURISDIKSIYON

Ang SC Johnson ay nagkokontrol at nagpapalakad ng Website mula sa tanggapan ng kumpanya sa Racine, Wisconsin, sa Estados Unidos ng Amerika.

Ang mga Pagtatakdang ito, at ang kasunduang kanilang ginawa, ay pamamahalaan sa lahat ng tukoy ng at ipinaliwanag alinsunod sa mga batas ng Estado ng Wisconsin, U.S.A, nang walang pagturing sa pagpili ng mga probisyon ng batas. Gayundin, ang inyong paggamit ng Website ay pamamahalaan sa lahat ng tukoy ng mga batas ng Estado ng Wisconsin, U.S.A. Ang Kombensiyon ng Nagkakaisang mga Bansa sa mga Kontrata para sa Internasyonal na Pagbenta ng mga Kalakal ay hindi maikakapit sa mga Pagtatakdang ito.

Ang pagkabigo ng SC Johnson sa paggamit, pagpapatupad o pagpupumilit sa istriktong pagganap ng anumang karapatan o probisyon ng mga Pagtatakdang ito ay hindi dapat ipakahulugan bilang isang pag-urong ng anumang gayong karapatan o probisyon. Kung anumang probisyon sa mga Pagtatakdang ito ay labag sa batas, walang bisa o hindi kayang ipatupad sa ilalim ng maikakapit na batas, hindi ito makaaapekto sa pagiging batas, bisa at kakayahang ipatupad ng anumang natitirang mga probisyon. Hindi ang takbo ng asal sa pagitan ng mga partido ni ang kagawian ng kalakalan ay dapat umakto upang baguhin ang anuman sa mga pagtatakda at kondisyong ito. Ang SC Johnson ay maaaring magtalaga ng mga karapatan at tungkulin nito sa ilalim ng mga Pagtatakdang ito sa sinumang partido sa anumang oras nang walang abiso sa inyo.

Hindi alintana ang anumang kautusan o batas na kasalungat, anumang paghahabol o dahilan ng aksyong lumitaw mula sa o nauugnay sa Website ay dapat naisampa sa loob ng isang (1) taon pagkatapos ng gayong paghahabol o dahilan ng aksyong lumitaw o dapat magpakailanmang naharangan at naiurong.

Sa walang kadahilanang kayo ay maghahanap o magiging karapat-dapat sa opisyal na pagpapawalang-bisa, pumipigil o ibang patas na panaklolo, o magbilin o magpigil sa operasyon o pagsasamantala ng Website, anumang pag-aanunsiyo o ibang mga materyales na ibinigay kaugnay sa mga ito, o anumang nilalaman o ibang materyal na ginamit o ipinamalas sa Website. Nauunawaan at sumasang-ayon kayo na walang itinatag na nagkakatiwalaang relasyon sa pagitan ninyo at namin sa inyong paggamit sa Website. Ang inyong paggamit ng Website ay hindi dapat ipagpalagay upang gumawa ng relasyon ng amo at empleyado, o pangulo at ahente, magkasamang pagnenegosyo o kasama sa pagitan ninyo at namin.

Habang dinedisenyo namin ang Website na maging bagay sa mga batas ng mga bansa kung saan kami nagpapalakad, hindi kami sa anong paraan kumakatawan o di-hayag na nagsasabi na ang Mga Materyales sa Website ay angkop o makukuha para gamitin sa labas ng Estados Unidos, at ang pagpasok sa mga ito mula sa mga teritoryo kung saan ang kanilang nilalaman ay hindi legal ay ipinagbabawal. Kung kayo ang gagamit ng Website mula sa mga lugar sa labas ng Estados Unidos, gawin ninyo sa inyong sariling kusa at ay responsable para sa pagsunod sa anumang maikakapit na lokal na mga batas. Hindi kayo maaaring gumamit o magluwas ng mga materyales na lumalabag sa mga batas at regulasyon sa pagluwas ng U.S.

ESPESYAL NA MGA PROBISYONG MAIKAKAPIT SA MGA GUMAGAMIT SA LABAS NG ESTADO UNIDOS

Sinisikap naming gumawa ng pandaigdigang komunidad na mayroong matatag na mga batayan para sa lahat, ngunit kami ay nagsisikap ding magbigay galang sa mga lokal na batas. Ang sumusunod na mga probisyong maikakapit sa mga gumagamit at di-gumagamit na nakikipag-ugnayan sa SC Johnson sa labas ng Estados Unidos:

  • Sumasang-ayon kayo na ang Website ay nagpapasakop sa mga batas ng Estados Unidos.
  • Sumasang-ayon kayo sa pagkolekta, pagpoproseso, pagpapanatili at paglipat ng gayong impormasyon papasok at papunta sa Estados Unidos o ibang bansa alinsunod sa aming Abiso ng Pagkapribado.
  • Kung kayo ay matatagpuan sa bansang pinagbawalan ng Estados Unidos, o nasa listahan ng Kagawaran ng Kabang-Yaman ng U.S. ng Espesyal na Itinalagang mga Bansa hindi kayo lalahok sa mga komersyal na gawain sa Website. Hindi ninyo gagamitin ang Website kung kayo ay pinagbawalan sa pagtanggap ng mga produkto, serbisyo, o software na nagmumula sa Estados Unidos.

PAGKAPRIBADO

Ang aming Abiso sa Pagkapribado ay nagsasaad nang lubos ng aming patakaran tungkol sa kung paano namin hinahawakan ang impormasyon na aming nakolekta tungkol sa inyo (kabilang ang sa pamamagitan ng kusang mga paraan) o na inyong piniling isumite sa amin. 

PAGSASALA

Alinsunod sa 47 U.S.C. Section 230(d), na nasusugan, kami ngayon ay nag-aabiso sa inyo na ang mga proteksyong pagkontrol ng magulang (gaya ng hardware ng kompyuter, software o mga serbisyong pagsasala) ay komersyal na makukuha na maaaring umalalay sa inyo sa paglimita ng pagpasok sa materyal na nakasasama sa mga menor de edad. Ang mga impormayong kumikilala sa mga tagapagbigay sa ngayon ng gayong mga proteksyon ay makukuha sa sumusunod na dalawang site: GetNetWise at OnGuard Online. Ang SC Johnson ay hindi nag-eendorso, sumusuporta o nag-aapruba ng anumang mga produkto o serbisyong nakalista sa gayong mga site.

PANGKALAHATANG MGA PAGTATAKDANG MAIKAKAPIT SA E-KOMERSIYO

Tukoy sa anumang produkto sa Website ay hindi bumubuo ng handog na magbenta o magtustos ng produktong iyon at hindi nangangahulugan na ang produkto ay makukuha o na ang pangalan at paglalarawan ng anumang produkto mula sa aming mga pangmaramihang tagapamahagi ay magiging katulad ng yaong kabilang sa Website.

Hindi namin magagarantiya na ang produktong nakalistang makukuha ay aktuwal na ipapadala kaagad, dahil ang pag-iimbentaryo ay maaaring makabuluhang mag-iba sa araw-araw. Sa bihirang mga pangyayari, ang produkto ay maaaring nakalaan kapag naglagay kayo ng inyong order, at naubos nang ibenta sa oras na ang inyong order ay naproseso.

Kung saan maikakapit, ang aming mga patakarang nauugnay sa pagpapadala at pagbalik/pagpalit ng mga produkto ay naipaskil sa Website para inyong repasuhin. Repasuhin ang mga patakarang iyon bago ang pagbili ng mga produktong galing sa Website.

Ang mga presyo at maaaring makuhang mga produkto na nakalista sa Website ay nagbabago nang walang abiso.

Habang kami ay nagsisikap na magbigay ng tumpak na produkto at impormasyon sa pagpepresyo, ang pagpepresyo o mga pagkakamaling tipograpikal ay maaaring mangyari. Sa kaganapang ang produkto ay nakalista sa hindi wastong presyo dahil sa isang pagkakamaling tipograpikal, o anumang ibang dahilan, kami ay dapat magkaroon ng karapatang tumanggi o magkansela ng anumang order na nailagay para sa gayong produkto sa hindi wastong presyo, kahit na ang order ay nakumpirma na at/o ang inyong credit card ay nasingil na. Sa kaganapang ang bagay ay namali ng presyo, kami ay maaari, sa aming pagpapasya, alin man makikipagkontak sa inyo para sa mga tagubilin o magkakansela ng inyong order at mag-aabiso sa inyo ng gayong kanselasyon. Kung ang inyong credit card ay nasingil na para sa pagbili at ang inyong order ay nakansela, kami ay agarang magbibigay ng utang sa inyong kwenta ng credit card sa halaga ng hindi wastong presyo.

Maaaring mayroong ilang mga order na hindi namin kayang tanggapin at dapat ikansela. Inilalaan namin ang karapatan, sa tangi naming pagpapasya, na tanggihan o ikansela ang anumang order para sa anumang dahilan. Inilalaan namin ang karapatan, sa tangi naming pagpapasya, na limitahan ang kantidad ng mga bagay na mabibili sa kada tao, sa kada kabahayan o sa kada order. Ang mga paghihigpit na ito ay maaaring maikakapit sa mga order na inilagay sa pamamagitan o paggamit ng parehong online na kwenta, parehong credit card, at gayundin sa mga order na gumagamit ng parehong address ng pinagsisingilan at/o pinapadalhan. Magbibigay kami ng abiso sa mamimili kung ang gayong mga limitasyon ay maikakapit.

Ang ibang mga sitwasyon na maaaring magresulta sa inyong order na makansela ay kabilang ang mga limitasyon sa mga kantidad na maaaring makuha sa pamimili, mga hindi katumpakan o pagkakamali sa produkto o impormasyon sa pagpepresyo, o mga problemang kinilala ng aming kagawaran ng kredito at pag-iwas sa pandaraya. Maaari rin kaming mangailangan ng karagdagang mga pagpapatunay o impormasyon bago tumanggap ng anumang order. Tatawagan namin kayo kung lahat o anumang bahagi ng inyong order ay nakansela o kung ang karagdagang impormasyon ay kinakailangan upang tanggapin ang inyong order. Kung ang inyong order ay nakansela pagkatapos na ang inyong credit card ay nasingil, kami ay magbibigay ng utang sa inyong credit card sa halagang siningil.

KABUUANG KASUNDUAN

Ito ang kabuuang kasunduan tungkol sa lahat ng mga bagay na napag-usapan sa naunang mga talata.